Saturday, August 7, 2010

Buti na lang may Toblerone.

Ako: Nag-expect ka ba?
Friend: Hindi naman eh. Alam ko naman kung ano kami eh. Okay lang magkagusto siya sa iba. Ang akin lang, sana alam ko, sana ipaalam niya, sana pinaalam niya.
Ako: Hmm. Anong gusto mong mangyari ngayon?
Friend: Gusto ko lang mag-sorry siya. Yun lang.

Ako rin. Yun lang naman hinihintay ko, mag-sorry ka. Yung sorry na totoo. Patunayan mo na alam mo yung mga bagay na ginawa mong mali at patunayan mo na nagsisisi ka. Alam kong hindi mo kasalanan lahat, pero alam natin pareho na mas marami kang pagkukulang.

Napapansin mo ba? Na hanggang ngayon hindi kita kayang kausapin, kahit batiin man lang. Kasi, alam mo, pakiramdam ko kasi parang wala lang sa'yo yung ginawa mo, yung nangyari. Parang joke lang. Sa'kin kasi totoo lahat.

Ayoko nung ganito, emo. Buti na lang may Toblerone. Masaya pa rin ako.



No comments:

Post a Comment